Monday, June 11, 2007

Kanta sa unang araw ng klase...




Time In


Ako ang bida ngayon
(Masyado kang ambisyosa)
Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
(Kung kaya, e di subukan na)
Masipa sa mukha
(Sipain din sa mukha)

Ako ang bida ngayon
(Hanggang pangarap ka na lang)
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
(Wag ka nang umasa pa)
Si Nora at si Vilma
(Ilusyunada ka)

[Refrain]
Dahil
Ngayong gabi, ako�y titingalain
Ngayong gabi

[Chorus]
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

Ikaw ang bida ngayon
(Ako na nga ang bida ngayon)
Ang mga kababaihan, silaw sa iyong kagandahan
(Pinagmamasdan)

Ikay pang-Miss Universe na

[repeat Refrain and Chorus]

Hanggang kailan kaya
Ikaw si Cinderella
Hanggang kailan kaya
Hanggang kailan kaya

Alas-nuebe na, traffic pa
Kailangan ko nang magmadali
At magta-time in pa
Male-late na naman ako
Sa trabaho kong ito
Siguradong sabon ang aabutin ko
Sa aking among gwapo
Na hindi ko kayang abutin
Hanggang tingin na lamang ba ako
Sa aking Prince Charming

Ngunit
Malapit na, magugulat ka

[repeat Chorus]

Reyna ng gabi

Ako si Darna
Ay, cinderella pala



"maganda ang kantang ito..lalo na sa matataas ang pangarap..haha
bsta pakinggan niyo nalang..."



un nlang muna sa ngayon mga mambabasa...
abangan ang iba pang pahina ng aking notebook...
maraming slamat...

Magiwan ng comments

Sunday, June 10, 2007

Pasukan, Paghandaan!


Pasukan, Paghandaan!


Dapat kong paghandaan ang nalalapit na kong pasukan sa Claret School of Q.C.
Dapat ay magmukha akong hindi kinakabahan..pero mas maganda kung hindi rin ako kakabahan...dahil alam ko na makakasira sa image mo kapag ika'y kinakabahan..hindi ba?
At dapat rin ay maganda ang ating look...dapat ay neat pagdating sa school...in other words..kailangan kong mag make-over sa aking sarili...hehe..
Paano? Syempre bawal mag-puyat...dahil ang pagpupuyat ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pimples...at ang pimples ay nakakasira ng image..hindi ba? actually...nagkakaroon narin ako ng onting pimple..kasi madalas akong nagpupuyat eh..hehe..nanonood kasi ako ng TV...
Syempre sanayin narin nating ang ating sarili na mag-exercise para maganda ang dating ng ating katawan...at para comfortable rin tayo sa ating sarili...kasi mas maganda pla ang feeling kapag mapayat ka hindi ba? Syempre dapat ay gumamit na tayo ng facial cleanser..para mas blooming sa klase..hehe, kung may pimples kayo ay gumamit kayo ng "ponds acne expert" effective talaga ito! itry niyo! sabayan niyo narin ng "ponds facial cleanser" para mas umepekto! Syempre galing tayo sa summer..alam ko na ang iba ay nagka sunburn hindi ba? gumamit kayo ng whitening lotion...para mabilis mag-peel off ang nasunog na balat! Syempre para mas magnificent tayo sa klase...magpagupit kayo...hindi ba? lalo na mainit ang panahon ngayon..makakatulong ang paggugupit para hindi masyadong mainitan ang katawan..hindi ba? Syempre para mas agaw pansin ang ating ngiti..dapat ay mag toothbrush na tayo habang maaga! at least 2 times a day...lalo na doon sa mga may pangit na ngipin..hehe...!
Syempre para mas fabulous sa kalse..dapat ay maganda ang posture natin...kaya nga dapat mag-exercise hindi ba? haha! Syempre para makita natin ng malinaw ang mga sulat sa blackboard..kumain tayo ng mga dilaw na gulay...at mag pacheck-up sa doctor...bka may grado na ang inyong mga mata..tingnan niyo ko..nakasalamin na...haha! Syempre dpata rin nating paghandaan ang mga sasabihin sa klase...gumawa tayo ng script..para hindi na tayo mahirapan mag english..haha! Syempre dapat ay may confidence din ang ating mga mukha sa harap ng klase...para ma-impress ang classmates and teachers! hehe..un lang ang maibabahagi ko sa inyo..actually marami pa nga akong gusto ibahagi eh...hehe..pero sa susunod nalang..hehe..ay oo nga pla! I almost forgot! wag kalimutan mag deodorant! hahaha..cge bye!


un nalang muna sa ngayon mga mambabasa...
abangan ang susunod pang pahina ng aking notebook..
maraming salamat....

magiwan ng comments

Thursday, June 7, 2007

Harry Potter and The Order Of The Phoenix




Narito ang Trailer ng isa sa pinakamagandang palabas sa buong mundo...
Isa rin ito sa pinakapaborito kong palabas na napanood ko...
Talagang maganda ang palabas na ito...siguro naman lahat tayo ay nakapanood na nito..hindi ba?
Kaya siguro ay alam niyo na rin ang naging istorya ng palabas na ito..kaya siguro ay hindi ko na dapat ikwento..hehe..
Panoorin niyo nalang ang ang inihanda kong trailer...


un nalang muna sa ngayon mga mambabasa...
abangan ang iba pang pahina ng aking notebook..
maraming salamat...

Magiwan ng comments

Wednesday, June 6, 2007

Thank you for your love...



Thank you for your love


My life was a constant uphill climb
Never got it right
Each one I love
Went through a change of heart

You came and my world turned upside down
You sung a different tune
Can't let go
It keeps playing on my mind

Now there's a reason to wake up each day
A reason to shake my blues away
Now I am whole, a lucky soul
Wanna thank you for your love
Thank you. Thank you for your love

Confused , my heart was in a daze
Learned to live with pain
I loved in haste
Then watched it go to waste

You came and brought music to my soul
Inspired me to the very core
You touched me where
No one has been before

Now there's a reason to wake up each day
I thank the Lord for sending you my way
Now I am whole
A lucky soul
Wanna thank you for your love
Thank you, thank you for your love

I saw the world in shades of black and gray
Turning blue with every passing day
Just when I thought that maybe all was lost
My life took on a new turn
And it's all because, it's because
REPEAT CHORUS 2

CODA;
No looking back, no more pain
No more dark clouds, no more rain
Thank you. Thank you for your love



"Ang kantang ito ay isa sa pinakamagandang kanta na narinig ko...
dahil hindi lamang ito naririnig ng aking tenga, pero naririnig rin po ito ng aking puso...
Kaya napakagandang kanta talaga ito para sa akin...
Sa tuwing naririnig ko ang kantang ito ay para sumasakit ang aking dibdib na para bagang may gustong ipahiwatig ang aking puso...
Sana po ay maramdaman niyo rin po ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang kantang ito...
Sana po ay pakinggan niyo po ang kanta na ito at sabayan niyo rin po ng inyong bibig..."



Un lang po muna sa ngayon mga mambabasa...
abangan ang iba pang pahina ng aking notebook...
maraming salamat po...


Magiwan ng comments :-D

Tuesday, June 5, 2007

Ang Masayang alaala...

Noong Grade seven pa ako at nalalapit na ang aming inaasam na graduation...
Inimbita ako ni Conrad na pumunta sa kanilang Resort kasama pa ang maraming kaibigan...
Pero sa kasamaang palad, onti lang ang nakasama, cguro ay dahil hindi pinayagan ng magulang, o talagang ayaw lang talaga...pero sa kabila ng pagiging onti..naging masaya naman ang kinalabsan...

Bago kami nagpunta sa resort, nag-stay muna kami sa bahay ni Conrad ng dalawang araw at dalawang gabi..syempre naging masaya ang mga moments namin doon...=)
Sa katunayan ay sumunod pa nga si Jojo Oconer dahil siguro naingit kasi nung kinausap namin sya sa YM nung wala pa sya ay narinig niya lahat ng boses namin gamit ang account ni Conrad..diba masaya?..kaya sumunod si Jojo sa susunod na araw..

pagkagising namin, kasama si Jojo, agad kaming naligo at kumain para makapaghanda na kami papuntang Resort..talagang excited kaming lahat nun!
Papuntang resort ay isinakay kami ni Conrad sa kanilang starex...
Nung nakarating na kami sa Resort ay napagisipan namin na mag laro muna ng volleyball habang mainit pa..kasi baka masira ang aming mga "ala-artistang kutis" kapag naligo kami nang mainit pa...baka magka-sunburn kami..hindi pwede!


Pagkatapos naming mag-volleyball ay nagpunta muna kami sa kwarto at nagpahinga...
Tapos nung bandang mag-gagabi na ay naligo na kami sa pool...masaya kaming lahat nun!

Pagkatapos naming maligo ay natulog na kami...
pagkagising ay naligo muna kaming tatlo nina Edward, Jojo..at syempre ako!
At pagkatapos naming mag banlaw ay agad-agad umalis na kami...syempre pagpunta namin sa bahay ni Conrad ay nakisabay na ko kay Jojo.."talagang makapal ang mukha ko noh?"
Sumabay lang naman ako hanggang Claret...pero medyo ma-traffic kaya natagalan ako papunta sa Claret kaya tuloy nakatulog si Jojo..

Pagrating ko sa Claret ay sinundo na ako ng napakaliit kong yaya na sa tingin ko ay hindi ako kayang alagaan dahil sa laking kong toh! Nag taxi kami pauwi..kasi baka "ma-rape kami"! ay! ung yaya ko lang pla!
Tpos paguwi ko ay agad akong humiga sa kama..at nagpahinga..grabe! nakakapagod!


"isa ako sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang aming baksasyon...at ang tawa ko ang nagbigay lakas loob sa akin kung bakit ako nagpapatawa..bwhahahahahaha! Sa kabila ng tawanan at saya...ay ang lungot na nadarama sa aming mga kalooban..dahil magkakahiwalay na kami...Kasi pupunta na si Conrad sa states at doon na sya maninirahan...At ang iba naman ay lilipat na sa ibang school..kaya talagang nalulungkot ako...pero sa tuwing nalulungkot ako ay iniisip ko nalang ang mga happy moments namin sa resort..lalo na ung katagang "putanginang shit! sinong nanay mo? hahahahhaa"...

Un nalang muna sa ngayon mga mambabasa...
Abangan ang susunod pang pahina ng aking Notebook..
maraming salamat po...

maari niyo rin po makita ang mga picture namin sa resort sa Czian's multiply


Magiwan ng comments :-D