Sunday, June 3, 2007

Ang Panimula

Sa rami-rami ng aking blog, wala akong nagustuhan ni isa, dahil natutunan ko na wala sa panlabas
na anyo nakikita ang tunay na kagandahan ng isang blog, kung hindi ay sa nilalaman nito...hindi ba?

Ngayon, heto na naman ako, gumawa ng panibagong blog, nagbabakasakali na baka magustuhan ko ito, alam ko na medyo "weird" na hindi magustuhan ng isang may-ari ang kanyang blog, pero kasi, minsan ay nakakatamad mag-isip at mag type ng post...hindi ba? Pero naniniwala ako na kapag gusto mo ang isang topic na iyong isusulat ay gaganahan ka rin...hindi ba? Katulad nitong post na ito, ginaganahan ako dito, dahil ang mga salita na nababasa niyo ngayon ay galing sa aking puso...dahil naniniwala ako na lahat ng bagay na ginawa galing sa puso ay maganda o kung hindi naman ay kaakit-akit...hindi ba? Pero hindi ko sinasabi na ang post kong ito ay maganda at kaakit-akit, dahil iba ang pananaw ng iba't-ibang tao...hindi ba? Hindi ko pwedeng ipagpilitan na maganda ang aking post kung ang nakikita naman ng iba ay hindi...o kaya naman ay hindi ko pwedeng ipagpilitan na maganda ang aking blog kung sa tingin naman ng iba ay hindi...hindi ba?


Kaya sa tingin ko...ito nalang ang aking blog at pwede ko nang idelete ang ibang kong blog...kasi sa unang post ko palang ay nagustuhan ko na...


Panimula pa lamang yan mga mambabasa...
abangan ang iba pang pahina ng aking notebook...
maraming salamat...

Magiwan ng comments :-D

4 comments:

Anonymous said...

mambabasa? eh wala naman atang magbabasa nito eh. yuck.

Ultima said...

wag ka na magtago sa pangalan na Mark, Conrad!

Conrad said...

ha???

Ultima said...

ay sorry..akala ko ikaw un eh! hahaha...sorry ha