Sunday, June 3, 2007

Ang nalalapit na pasukan


Sa June 13, 2007 na ang pasukan ng students ng Claret School of Q.C....


At syempre kinakabahan ako dahil alam ko at alam nating lahat na sa unang araw ng pasukan ay ipapakilala natin ang ating natatanging sarili sa harap ng bagong mukha ng klase....Hindi ba?
At alam rin nating lahat sa unang araw ng klase ay may bagong mukha ka na namang makakaharap, guro at kaklase.

Lalo na at highschool na ako, sigurado talaga ako na maraming bagong mukha akong makikita...
Sana ay mababait sila...ang mga bago kong kalase, syempre sana mabait rin ang mga guro namin..

Isa rin sa dahilan kaya ako kinakabahan ay ang mga guro, syempre dahil highschool na ang kanilang tinuturuan, mas magiging mahigpit sila..hindi ba? Dahil madami ring loko-loko sa highschool..kaya mas nagiging masungit ang ibang mga teachers...at natatakot rin ako at baka masangkot ako sa mga kalokohan ng bago kong kaklase...at ayoko kong mangyari un sakin..kaya ipinapangalangin ko sa poong may kapal na hindi ako masangkot sa anumang kalokohan...Sana lang ay mababait ang aking bagong kaklase..sana lang...


Balita ko rin ay June 16-20, 2007 ang orientation sa highschool at medyo matagal un, baka mahuli kami sa mga lessons...hindi naman siguro...

Excited narin akong makilala ang bago naming principal sa highschool...dahil hindi ko pa sya masyadong kilala eh...

Gusto ko ring maging classmate ang mga naging friends ko na nung Grade School...syempre mas matutuwa ako kung sila ang magiging classmate ko...hindi ba?

Un nalang muna sa ngayon mga mambabasa....
abangan ang iba pang pahina ng aking notebook...
maraming salamat...

Magiwan ng comments :-D

No comments: